Kuwentong Sikyo

Napapansin nyo ba kung gaano karaming security guards ang meron sa Pilipinas? Nagkalat talaga sila. Karamihan, kung hindi man lahat, sa kanila ay may nakasukbit na baril sa may tagiliran pero parang props lang yun sa tingin ko. Kasi di yon nakakasindak sa akin at nakakapigil para kausapin ko sila.

Halimbawa, si Mr Amaqui. Minsan habang naghihintay akong sunduin ng kaibigan ko mula sa opisina, naghintay ako sa may entrance ng bookstore. Kinausap ko muna siya. Medyo natagalan dumating ang kaibigan ko kaya napatagal din ang usapan namin. Tinanong ko siya kung bakit niya naisipang maging security guard. Kung nasaan na ang anak niya (nasa kapatid daw niya sa may probinsiya, ang misis niya OFW). At nung natanong ko na yata lahat ng tungkol sa buhay niya, eto na ang naisipan kong itanong:

”Kelan kayo naging kalbo?”

Teka, bago ninyo ako batuhin, liliwanagin ko lang na itinanong ko iyon nang walang halong pang-aapi, pang-iinsulto o kahit na anong masamang intensiyon. Gusto ko lang talagang malaman. Para ko lang itinanong kung anong size ng sapatos niya. Di naman siya nasaktan sa tanong ko. At ikinuwento niya na nagsimula lahat nang magtrabaho siya sa barko. “Ma’am, dati makapal buhok ko. Pero sa barko kasi, nakababad kami lagi sa mainit na araw. Tsaka yung shampoo, ibang klaseng shampoo ang ginagamit namin nun eh. Matapang yung kemikal.” Gusto kong sabihin, “Hmm, Manong, baka di lang kayo nakapag-conditioner.” Pero pagkatapos nito, change subject na kami at di nagtagal, dumating na ang kaibigan ko.

Feeling close na talaga kami nitong si Manong. Sa katunayan, minsan ay tumatawag ito sa local number ko ilang minuto makalipas ang alas tres ng hapon. Anong sinasabi niya? Na dumating na si Manang na nagbebenta ng turon. Nung first time niya yun ginawa, natawa talaga ako nang malakas. Akala ko urgent call mula sa author, tungkol lang pala sa meryenda. May mga pagkakataon naman na kulang ang perang pambili ko ng meryenda na naibababa ko mula sa 4th floor. Siya ang nagpiprisintang magbayad ng kulang ko. Ambait, di ba? :)

Nitong nakaraang sabado naman, habang naglalakad sa may Shaw, may isang security guard na nakatayo sa may malapit sa entrance ng isang building na tumawag sa akin. “Ma’am, 60% off.” At parang namagnet, kahit wala akong kabalalak-balak bumili ng kahit ano, napatingin na rin ako. Nakadispley sa isang mesa ang mga bags, hikaw, eyeshadow at lipstick. Ang security guard, habang iniinspeksyon ko ang ilan sa mga paninda, ay biglang nagsabi sa akin, “Ma’am, yan o, magic lipstick. 150 na lang.” Imagine, security guard, binebentahan ako ng lipstick! Di na ako nagtagal doon. Baka kasi bentahan pa ako ng stockings eh, baka di ko na kayanin.

Hindi rin ako nahihiyang magtanong sa mga security guards. Standard question na siguro yung mga tanong tungkol sa direksyon. Pero minsan, gusto ko lang magtanong dahil naaaliw ako. Katulad nang minsang habang naglalakad sa mall kasama ang mga kaibigan, may makita akong security guard na makatawag-pansin.

Ako: (nakangiti) Manong, pwedeng magtanong?

Security Guard: Oo, sige, ano yun?

Ako: Anong height mo?

Security Guard: (medyo napapangiti din) 6’3”.

Ako: Tenk yu.

Pero wag kayong mag-alala. Dito lang sa Pilipinas ko kayang gawing maki-chika sa mga security guards. Pag nasa ibang bansa ako, tikom ang bibig ko. Maliban sa dahilan na ayaw kong ipahiya ang Pilipinas, parang corny ang ang mga security guards doon. Bakit, meron kaya sa kanilang kaya akong alukin ng lipstick?

Onli in da Pilipins. :)
——————————
This is only my second time to write a post in Tagalog. The first time I did it, I had so much fun. Here’s me, trying lang.

4 Responses

  1. hay, security guards have power to make or break your day. nakaka-gratify pag sobrang helpful sila, at pag bigla ngang humihirit that suddenly shows their personality, pero yung mga nagpo-power trip, naku!

    Hehe, oo nga no. I agree with you. As for the power-tripping guards, I don’t encounter many of their kind so in a sense, I should be grateful. Most of the guards I see or talk with are the funny ones. Some of them trying to look tough pero funny pa rin. :)

  2. hahaha. adik ka ate beng! hahaha. buti di mo tinanong kung isa lang ang size ng batuta nila. hahaha

    Hahaha, mas natawa yata ako sa comment mo eh. No, that question did not even cross my mind. ;)

  3. lol ang kulit! nililista mo ba kung ilang sikyu na ang nakausap mo? :D

    pero nakaktuwa naman ang guard sa inyo, sinisignalan ka pa kung andyan na ang turon :D

    Hi Carla, no, I’ve lost count already. Basta, madami sila!

    Yeah, the signaling guard. Actually, both of our fulltime guards do that for me. The other one even convinced me earlier to go down four flights of stairs to buy fishballs! And both of them support my snacking needs (that is, when I am not able to bring my wallet or in other “dire” circumstances. But I pay them back ha.) Lagi ko kasi silang nakakausap. Mababait din naman kasi sila. :)

  4. alam mo, Beng, sa ibang bansa malulungkot ang tao maski na madaling bumati sila ng good morning or how are are you—pero hanggan dun na lang. Sa palagay ko hindi puwede sa company policy ng karamihan ang ginawa ng mga sikyo na kilala mo. May familiarity kasi na dapat hindi kahalo sa security behavior. Iba talaga ang Pinoy na hindi pa rin madalas maintindihan ng asawa kong german. But, he appreciates the coziness…yun nga lang ang sabi niya when it comes to the actual police force, mahina sa apprehending kasi nga…familiarity minsan ;-) .

    HI Ate Bernadette, oo nga. Kaya siguro mas gusto ko sa Pilipinas kahit masikip, magulo o mahirap buhay. Madali namang sumaya ang mga tao. :) Hindi nga siguro pwede sa company policy yung ginawa ng mga sikyo na kilala ko. Atsaka di talaga yun pwede, halibawa sa States, kasi wala doong turon (kidding!). I can imagine your German husband getting the shock of his life how people here easily relate to each other. There are downsides to it, however. Like what you said, professionalism somehow being sacrificed because of the spirit of camaraderie. But I still have high hopes for the Philippines. Maybe someday, somehow, we’ll learn. :) Thanks for the interaction.

Leave a Reply