Di sinasadya*

Yan. Yan ang una kong tinayp nung sinearch ko ang kanta ni Bugoy sa Youtube. Yan kasi ang naalala ko mula sa narinig ko kaninang pinapatugtog sa may Powerplant mall kasama ang mga kaibigan ko:

Paano na kaya, ‘di sinasadya
‘Di kayang magtapat ang puso ko
Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko ikaw pa
Paano na kaya ‘di sinasadya…

Sinabi sa akin ni Gina (ang kaibigan kong adik sa musika) na dating janitor itong si Bugoy. At yun, wala na. Pagkarinig ko nun, gusto ko nang malaman ang kuwento niya. Sa katunayan, nasa mall pa lang ako, kumonekta na ako sa free wifi makita lang kung sino si Bugoy. Ako naman ay adik din: Maliban sa adik din sa musika (pero di sing-adik ni Gina), adik din ako sa mga ganitong istorya. Parang kay Cinderella (At bumabalik sa aking alaala na minsan ko ring pinangarap na sumali sa Bagong Kampeon. Ngayon, pangarap ko na lang… na maka-100 na score sa videoke. Sori, mahilig talaga akong kumanta).

Nakakatuwa. Nakakatuwa na pwede pa pala ito. Yung tipong akala nating napapanuod lang sa pelikula, nangyayari din pala sa tutuong buhay. Ang galing. πŸ™‚ Di talaga matatawaran ang halaga ng pangarap na may kakambal na pag-asa. Kasi hindi mo alam kung saan ka ililipad ng mga ito. Pwedeng isang dipa lang ang lakbayin mo, pwede din namang isang milya. Pero isang dipa man o isang milya, ang mahalaga, nasubukan mo, di ba?

Pag nakita ko si Bugoy, malamang lapitan ko siya. Siguro wala pa naman siyang bodyguards na magtataboy sa akin. Ang sasabihin ko lang naman ay hanga ako sa kanya. At may “di sinasadya” man sa kanta niya, sadya naman na magaling siya.

Sige, makikinig muna ako sa kanta niya. Pero bukas, bibili na ako ng album niya. Baka sakaling makatulong yun para patuloy na magningning ang bituin niya sa kalawakan na puno ng mga naglalakihang mga supernova. πŸ™‚

——————-

*Paano na kaya? pala ang title ng kanta.

Advertisements
Comments
4 Responses to “Di sinasadya*”
  1. Bijoiski says:

    waaah ate beng! Bugoy sang live during the BFF premiere night. hehehe

  2. Beng says:

    Ay sayang.. I missed it. But then again, I didn’t “know” him yet then. πŸ™‚

  3. Gypsy says:

    Beng, tatayo ka na ba ng Bugoy Fan Club? πŸ˜‰ Glad that pure undiluted talent can still somehow bring hope to some. By the way, I’m back, finally. Hehe.

    • Beng says:

      Hahaha, there’s a fan club for him already. And no, I am not a Bugoyster just yet. I’m just a fan of rags-to-riches stories. Hey, I missed your blog. Glad to know you’re back in the loop. πŸ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: